2004
isang araw nung college ako, wala na ako pera at kinabukasan pa ako padadalahan ng allowance, nakalimutan ko na kung magkano na lang natitira sa pera ko pero sakto na lang sa dalawang noodles. isa sa tanghalian at isa sa hapunan. bumili ako ng isang LUCKY ME CHICKEN para sa tanghalian. hindi ko agad binili yung para sa hapunan kasi baka magka-emergency, walang matitira sakin kahit benchingko. nung iluluto ko na at binuksan ko na ang pakete, UNLUCKY ME CHICKEN pala yung nabili ko. kasi walang pakete para sa seasoning. ang nangyari, bumili pa ako ng isa pang LUCKY ME CHICKEN at chi-neck kaagad kung may seasoning. niluto ko ng sabay. kokonti ang tubig kasi tatabang. ang nangyari, tuyot na noodles ang kinain ko sa tanghalian at itinulog ko na lang ang hapunan.
2014
kagabi, nagluluto ako ulit ng LUCKY ME CHICKEN para sa hapunan, dagdag ulam sa inihaw na liempo ng SR. PEDRO. pagbukas ko, dalawa ang pakete ng seasoning. TAKE THAT MONDE-NISSIN!!!
lesson: wala.
==========================
facebook post
Thursday, April 17, 2014 at 9:46am UTC+08
