tama na
'wag ka nang ngumiti
pakiusap
itago ang 'yong labi
dahil kung hindi ko rin naman
magagawang mahagkan
pakiusap lang
wag na akong saktan
kahit hindi mo pa sadya
kahit hindi mo pa alam
ang bola at kadena
ay nasa paa ko na
lumapit ka naman sana
para hindi nako maghihila
lumapit ka naman sana
lumapit ka naman sana
teka lang
'wag mo muna 'kong iwan
pakiusap
ako'y 'yong pakinggan
dahil hindi ko rin naman
sinadyang makialam
kung maaari lang naman
sana'y mapagbigyan
kahit hindi mo pa gusto
pero kahit saglit lang..
o sige, sige na
kung aalis ka'y
pakibilisan na
2011.11.04_11-10