Thursday, 18 January 2018

lops

sa mga panahong di kita kasama
nababaliw ako
sa mga panahong malayo ka
nasisiraan ako
walang katinuan ang nararamdaman
kapag di kita nakikita
ang isip ko'y lumilipad
kasama mo rin pala

gabi-gabi na lang ikaw ay iniisip
nasan ka kaya
di makatulog sa pagkakahiga
sana ay katabi ka
kailan kaya kita makikilala
sana'y ngayon na
hndi na ko makapaghihintay
kapag bukas pa

sa kalaliman ng aking pagtulog
kasama na kita
at sa aking pagmulat at paggising
biglang nawawala
masakit tanggapin na walang katotohanan
ang lahat-lahat
kailan pa matutupad
ang aking pangarap

lumulutang ang aking katawan
twing naiisip ka
nalilimutan ang lahat
sana'y kasama ka
araw-araw au nangungulila
naiinis sa'yo
sana ay dumating ka na
dito sa buhay ko

sa mga panahong hinahagilap kita
walang madama
tanging sa panaginip lamang kita
pwedeng makasama
walang katinuan ang nararamdaman
kapag di kita nakikita
ang isip ko'y lumilipad
kasama mo na pala


2004.01.18_A03-09_lops

===============================

berks' penelope