20050107
tanginang panaginip to, parang gago. kasi dati, siguro mga 2nd year high school pa lang ako non, napanaginipan ko na to. kasi yun yung panahon na baliw na baliw ako kay leila barros at sa buong team ng brazil. dati, noon, napanaginipan ko sila na napanood ko sila sa isang gym ng live, ayun naglalaro sila don. tapos bigla silang umalis, lahat sila, pati yung kalaban nila. tapos lumipat sila sa ibang gym, sa loob ng isang malaking building, tapos sinundan ko kasama nung iba pang nanonood. tapos hindi kami pinapasok.
ngayon, kagabi, napanaginipan ko na naman. natatandaan ko ganon na ganon yun setting, kaso nawawala si leila barros, ang pumalit eh si aifa medina ng sexbomb. naging brazilian pa tuloy sya. ayun, kagaya nung dati, lumipat din sa building na yon, at hinabol ko din, at nung makita ko yung building at yung guwardiya, sabi ko, "ay! hindi tayo papapasukin, kagaya last year!" hindi nga kami pinapasok...