Friday, 18 August 2017

gral

gral


kaibigan, pagod na 'kong magtanong
kami, san ka ba talaga naroroon?
marami kang nasaktan
na'ng ikaw ay bigla na lang lumisan
tulad ko, di manlang nakapagpaalam
ang daya mo, bakit ka nang-iiwan?

kaibigan, ngayon ko lang napapansin
mas marami ka palang alam na malungkot na awi tin
at ngayon wala nang pagkakataon na maawit
dahil ang alam naming lahat andyan ka na sa langit

bilanggo sa tanong

kaibigan, kumusta'ng pakiramdam
naaalala no'ng ika'y nasasaktan 
ang luha mo, ang luha ko, ang luha ng magulang mo
kinukubli, tinatago, walang may gustong sumuko  
ngunit bakit biglang nagkaganon
hindi ko mapilit ibalik ang panahon 
at sa isang saglit, nakulong ka sa isang kahon
ulan mula sa langit, lulan ay mga tanong

ang 'yong awit at tinig, saan muling maririnig?
saan at kailan at kanino kami hihiling?
paano at anu-ano ang dapat na itaya
upang diwa nating lahat muling magkita-kita?
asan ka?narating mo na ba ang hangganan?
paki-bulong sa akin, pa'no ba pumunta d'yan?


2010.08.18_10-10_gral

===============================

tatlong taon ang lumipas bago ako nakasulat. isang dekada na, kaibigan.