Saturday, 12 August 2017

muli part 2



muli part 2


muling sinanay ang sariling mag-isa
medyo nagsisising ikaw ay nakilala pa
at ngayon, kailangang tawirin ang bawat araw
na nalalaman na may isang ikaw

walang sinabi ang lumipas na dekada
sa isang gabi tila lahat ay nabura
pinipilit ang sarili na itago ang damdamin
kasiyahan ay ipagkakait ko ba?
ipagkakait ko ba?

muling luluha
muling iibig
muling susubok sa landas na mapanganib

tatlong oras na akong namamangha
katotohana'y lumabis sa inaakala
at ngayon, maghihintay ako sa 'yong pasya
kung iiwanan lamang ba sa alaala

inabangan bawat pahayag ng 'yong labi
mga mungkahing tila ba walang pasubali
unti-unting nalululong sa iyong mga ngiti
ang sarili ay ipagtatanggol ko ba?
ipagtatanggol ko ba?

muling aasa
hanggang hantungan
magtitiwala sa walang katiyakan
muling luluha
muling iibig
muling susubok sa landas na mapanganib

naninirahan
sa panaginip
maaari bang makiraan sa 'yong idlip


20170811-muli part 2


===============================

i don't know why i wrote this. it's not possible that i like her that much. i barely know her. maybe i'm just excited with the idea of having someone again. good night.