nasa vigan na ako, na di naman mukang vigan. sa isang restaurant. nanay daw ni kuya ra ang may-ari. andon sila. naghihintay daw ako ng bus pauwi, kagaya nung naghihintay ako ng bus sa la union. inaalok nila ako ng pagkain, baunin ko daw sa byahe. sinama ako sa kusina, tinuro saking yung kutsinta. dumampot ako ng tatlo, nilagay sa plastic at dinala sa labas. habang nakaupo at kumakain, napansin ko biglang may porkchop na sa plastic. nakaipit sa kutsinta. kutsinta - pork chop - kutsinta - pork chop - kutsinta. tuloy lang sa pagkain. maraming bus ang dumadaan. may byaheng pasay. hindi ko alam pero may byaheng fairview. pero cubao ang hinihintay ko. biglang dumating si mich. tumabi sakin sa upuan. binaba ang bag at naghubad ng boots. may kinakalikot sya sa selpon nya. nagiinstall daw sila ng wifi don sa restaurant. parang may pinagusapan ata kami, medyo mahaba, pero diko matandaan. tumayo sya at pumasok. naiwan akong kumakain ng pork kutsinta. paubos na. may nakita akong parating na bus. cubao. nasa loob sila ng restaurant. tumayo ako at tumawid. di na ako nakapag-paalam. sumigaw na lang ako ng "eto na ang bus ko!" may narinig akong sumagot, "ingat!" hindi ko alam kung sino. sumakay na ako.
marami pang eksena ang nawawala. mga eksenang di ko na maalala. o diko alam kung sang parte nangyari. kagaya nung tindera ng bibingka sa hintayan ng bus. alam ko mahaba yun istorya sa pagudpod kasama ang mga kids. pero diko na maalala.
===============================
recent reality correlation
"the kids" - nameet ko sila sa la union, hindi sa pagudpod
kuya ra - katext ko last week
kutsinta - kinain ko kila mami tita
mich a- sya lang yung walang recent interaction na nadamay dito