Friday, 23 June 2017

sebo

sa panahong lumilipas
sa daming nakilala
ikaw na lang ang natira
ikaw pang walang puso para sa akin

subalit kung iisipin
ganyan talaga ang buhay
kung lilipad sa hangin
maitim na ulap ang aagapay

luhang bumasa sa unan ko
piniga, bumaha sa buong kuwarto
pagod na ang matang lumuluha pa rin
pasan ang sakit na di mo man lang napansin

patuloy pa rin
patuloy pa ring

yayakap sa dingding
kisame'y aabutin
hahalik sa hangin
pikit-mata, ikaw ang iisipin


2007.01.28_78_sebo