Sunday, 2 July 2017

2007.07.01_96

"sabay-sabay, sama-sama tayong gumapang mula sa kawalan ng malay sa mga bagay na gusto nating malaman.
umakyat patungo sa isang kamalayan na hindi natin inaasahang magiging ganito kahirap.
nakikisimpatya sa isa't-isa para magkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy, na huwag bumitaw sa kamay ng bawat isa sa paligid.
pero bakit kailangang humantong sa ganito?
bakit ngayong malapit na tayong makatayo sa sarili nating mga paa, kailangan pang biguin ang pinakamahina na pinaka-nangangailangan ng tulong?
bakit kailangang iwanan ang isa na walang makakapitan?
bakit kailangang titigan siya habang bumabagsak?
dahil ba sa pagiging inutil?
salamat mga 'kaibigan'!"


2007.07.01_96