Sunday, 9 July 2017

lagoon

di na malaman kung paano magtatago
susuko na lamang ba
di maintindihan kung paano nangyari
ang lahat lahat

pagtingin ko sa ulap
katahimika'y di mahanap
ano ba ang dapat kong gawin
upang matapos aking paghihirap

hindi na maniniwala
sa sinasabi ng hula
langit ko'y naglaho, na
parang malaking bula

maruming hangin
magulong damdamin
nagsama-sama
para ako'y sirain

di malaman kung ano ang pakinabang
ng ginagawang pagluha
naubos na ang aking nararamdaman
ganap na manhid na

sinira na
wala ng
pag-asa
sinira na


2004.07.09_T06-10_lagoon