Sunday, 3 September 2017

ambulansya

ito na ba ang dulo
ng kung ano man ito?
basta, mahirap dito

ano na ba ang umusad
bukod sa edad
at sa paang inilakad?

paano na ang paghinga ko
kung bukas, makalawa, andito pa rin ako?
mabuti ka pa, mabuti pa kayo
pabalik na kayo, pabalik pa lang ako

kailangan ko na ng tulong
bakit ba ayaw n'yo nang lumingon?
paano nga ulit bumangon
kapag nahampas ka ng alon?
hindi ko hiling ang grasya
okey na ako sa pag-asa
pero nilamon na ako ng drama
kaya tumawag na kayo (ng ambulansya / naambunan s'ya)

ilan pa bang baitang
ang aakyatan?
'di ko na kayo maaninagan

bakit nag-iisa na ako
kahit naririto pa kayo?
kulang na ang barya sa bulsa
parang noong nasa umpisa


2010.09.03_10-11_ambulansya