magkukuwento lang ako ng konti tungkol sa nangyari noong sabado, Hulyo 20 (2013). kami nila sir Chris TANGGE, sir NORMAN, at sir CRIS ay pupunta sa LOBO, BATANGAS para sunduin ang 2nd hand na motor na binili ni Cris, Honda XR. hindi ko pwedeng dalhin ang motor kong Honda Wave 100R dahil on process pa ang rehistro ko at ako ang magmamaneho pabalik sa maynila ng motor ni sir Norman dahil student permit pa lang ang lisensya ni Cris. umalis kami 4:20 ng umaga galing sa PhilCom bldg. angkas si Cris kay sir Norman sa Yamaha Crypton at angkas ako kay sir Chris sa MCX Renegade. Dirt Bike. mataas. manipis ang upuan. masakit sa tumbong. after 10Km ng pagbyahe, naalala ko wala akong dalang lisensya. iniiwan ko kasi yun sa Ubox ko, solusyon ko yun sa pagiging makakalimutin ko, since wala naman akong ibang sasakyang minamaneho. no other choice, binalikan namin. nagaksaya na kami ng 20Km, umpisa pa lang ng araw.
Sir Chris: ang layo na natin
Sir Norman: no choice tayo sir
gusto kong sabihin: sorry
fast forward, nakaakyat na kami ng tagaytay, nagsalin ng gasolina, kumain sa jollibee. nagbadya ang ulan pero hindi naman tumuloy. pero may dala pa rin kaming kapote.
bago bumaba, may pumapara samin:
manong: boat ride sir! boat ride!
sir Chris: tangena, muka ba kaming magbo-boat ride?
pababa ng tagaytay, daan kaming laurel. talisay din ata. taal. zigzag. may mga paunti-unting kasalubong. moist ang kalye. bundok eh. natuwa ako sa brgy. buso-buso kahit walang namang nabosohan. at natuwa kami kay GARDO. ang lalaking naka-brip na itim at namamangka sa taal lake, patayong nagsasagwan. pang-romansa. mahirap ang daan may maputik. may mabato. akyat. baba. zigzag. yung iba nga hindi pa daan, ginagawa pa lang daan. sabi ng signage: sorry for the inconvinience, road under construction. pero ang naka-drawing lagare at martilyo. wala kahit pala lang. sabi ni sir Chris, ang aga-aga, nagpepenitensya tayo agad. ang bagal ng takbo namin. nagpahinga kami, nagtext si Cris sa bahay nila para maipaalalang parating kami. hindi kami aabot sa expected na time frame namin. sa oras na nagugol na namin, hindi na kakasya ang maghapon kung susunduin pa namin sa bahay nila yung motor, kasi aakyat pa ng bundok yun mula sa mismong bayan ng Lobo. tatawid pa ng ilog. so nagdecide kami na ipakisuyo na lang ni Cris na ibaba na yung motor sa bayan, at maghihintay na lang kami habang nagtatampisaw sa dagat.
ang sakit na ng tumbong ko.
sibat ulit. nagtanong kami ng daan papuntang lemery kasi sa batangas city kami dadaan. na hindi naman pala dadaanan ang kabayanan na lemery.
kami: boss, san papuntang lemery?
manong sa auto shop: lemery? ganare. yang pakaliwang yaan, dire-diretsuhin nyo laang, may madadaanan kayong tubuhan, diretso pa, may makikita kayong simbahan. tapos kakaliwa kayo, sulpot nyo ay tulay. diretso lang tapos pakanan. madadaanan nyo yung tawilisan. (ETO MALUPIT) pero kung gusto nyo, dini na laang kayo sa kabila, dire-diretso laang. yung tulay din ang sulpot nyo. hindi pa kayo malilito.
Sir Chris: pero mas malayo?
manong sa auto shop: hinde! ganun din laang.
tawa kami ni Sir Chris pagmaneobra.
gusto ko sanang sabihin: langya ka, pakahirap ka pa magpaliwanag, may madaling daan pala. pwede nga ituro mo na lang yung kalye, sumenyas ka na lang ng padiretso. hindi mo na kelangan magsalita.
pero naintindihan ko sya. baka sabik lang sa kausap. mahirap marating lugar nila. kalbaryo.
nakarating na kami sa batangas city. tapos Lobo na (ata).
ang sakit na ng tumbong ko.
sa bayan ng Lobo. malapit na kami. bayan. si Cris lang ang may alam ng daan.
Cris: kanan
Sir Norman: kanan
sir Chris: saan daw
ako: kanan
at kumanan kami. BLAG!!!
SEMPLANG! bumabanking kami sa zigzag kahit may kasalubong na truck. ni hindi kami na-overshoot kahit minsan. dumaan kami sa madulas na putikan. sa tulay na may lumot. sa mabatong road construction site. hindi kami natinag. sa simpleng pagkanan na DIYES ang takbo, sumemplang kami ni sir Chris.
manang: eeeeeeeehhhhhhhhhhhhh!
saglit lang ang pangyayari, pero kitang kita ko kung pano kami bumagsak. nag-slomo sa tingin ko. dadamba sana ako palayo para hindi ako madaganan ng motor, pero nakasalampak na agad si sir Chris, kasi mas mababa foot rest nya kesa sa angkas. sabi ni Sir Norman, muka daw kaming nagbroke back mountain kasi nakadamba ako sa likod ni sir Chris. hindi naman siguro broke back mountain kasi hindi na tumitigas etits ko nun kasi naging piyaya na yung bayag ko sa pagkakaipit sa upuan ng limang oras. pagbagsak pa lang, kita ko na na butas yung pantalon ko sa bandang tuhod at naramdaman ko agad na mainit. sabi ko may tama ako. tumihaya ako, nakahiga sa basang kalye. ginagalaw galaw ko yung tuhod ko, pinapakiramdaman kung may bali. wala. ayos. di ako nakatayo agad. nakadagan sa kanang paa ko yung motor. hinila ko. nakasabit. wasak si chuck taylor, labas ang medyas. di pa ring tumatayo si sir Chris. tanggal ang helmet. di naka-lock eh. walang tama helmet ko. sa kanya ako bumagsak eh. tumayo
ako. sinilip ko yung butas sa pantalon. dugo. mahaba.
manong: nasaktan tong isa!
isa pang manong: okay ka lang?
di ako nagsasalita. syempre hindi ako okay! sumemplang ako. may sugat ako. nabutas ang paborito kong pantalon. (paborito ko kasi yun lang ang pantalon kong hindi sumasabit sa foot rest ng motor. kaya nga yun sinuot ko kasi maglolong-drive ako.) ang tamang tanong dyan: ANO? KAYA PA?
Cris: okay na yan, nakakapagyosi na nga eh.
hindi ako nagsasalita. hindi nya alam, kaya ako nagsindi eh dahil unti-unti nang nawawala yung init na naramdaman ko nung pagbagsak at napapalitan ng sakit.
KAYA PA.
tumayo si sir Chris. sakay ulit. malapit na. pagdating namin sa bahay, habang tinatawagan ni Cris ang contact nya sa status ng motor na pababa ng bundok, naghubo ako. sinilip ko yung tuhod ko. dalawa ang butas ng pantalon ko. pero tatlo ang sugat. small, medium, at long. yung small at medium, parang skin burn lang. pero yung long, mahaba. 1.5in. mukang gumasgas sa bato nung punit na yung pantalon kasi malalim. yung kay sir Chris, isang butas sa pantalon, isang sugat na kasinliit nung small ko. pero malala. di sya makalakad ng maayos. yung tama ko kasi, slide. yung kanya, impact. nabugbog siguro knee cap. sabi ko pa-x-ray sya. di ko na ramdam sakit ng tumbong ko. may mas masakit na.
nagpaluto si Cris ng pagkain dun sa tao sa bahay. kapatid ata yun ng ninang ng kapatid nya. pumunta na kami sa dagat. sakto rin, kaya din ako sumama, para mailubog sa dagat yung tattoo ko na malapit na gumaling. mahapdi ang sugat sa tuhod. kwentuhan ng konti. tawa ng marami. nakaupo sa mababaw na parte, kasi hindi ako marunong lumangoy. natabig ko lulod ko. mahapdi. may tama din. medyo mahaba. nadaganan kasi ng motor.
sirr Norman: quarter (to 12) na. tara na.
umahon na kami. pagsuot ko ng tsinelas, mahapdi. lintek, may tama rin paa ko. kaya pala lumabas sa chuck taylor. bumalik na kami sa bahay. luto na ang pagkain. fried shiken. maalaat na itlog, parang mga itlog namin galing sa dagat. at patola soup. panalo. naligo muna. bago kumain, bad news. wala daw magbababa ng motor galing sa bundok. nasa kasalan. kain muna bago magdecide. sabi ni Cris, paiwan na lang daw sya. kaming tatlo na lang babalik sa maynila. iniisip ko, aangkas na naman ako. namis-align yung manibela ni sir Chris. masakit na katawan namin pareho. may sugat kami pareho. AT ANG SAKIT NA NG TUMBONG KO! nagkukwenta kami ng oras. dapat kasi bago magdilim, dapat at least nasa tagaytay na kami.
option 1: iwan si Cris. sabi ko kay sir Chris, pag ganun, hatid na lang nila ako sa batangas city. magcocommute na lang ako. ayoko na umangkas. kumbaga enough tumbong beating for the day.
option 2: ihahatid namin si Cris sa batangas city, kukunin nya mag-isa yung motor, commute sya pabundok. maghihintay na lang kami sa siyudad. pero matatagal. ang estimated time, 4pm sya makakarating sa kanila. bababa pa. negatib.
option 3; aakyat si Cris at sir Norman magkaangkas. maghihintay kami ni sir Chris sa bahay. pero nagaalangan si sir norman kasi tatawid ng ilog. tsaka baka mahirap ang daan.
so nagtanong na kami kay manong dun sa bahay.
manong: saglit lang yun, mga 30 mins lang. tsaka mababaw yung ilog, akayin mo na lang. itayo mo yang motor mo. (itinayo ni sir Norman) mataas yan, kayang kaya yan.
kuya: yung sakin nga mio, kaya eh.
30 mins. times 2. isang oras. so mahaba na ang isa't kalahati. game. option 3! umalis sila ala-una. dapat 2 - 2:30 nakabalik na sila. ok.
tambay kami ni sir Chris. kwentuhan. tawa. alas-dos. wala pang balita. unreachable mga selpon. kwento pa. tawa pa. tsismis na rin. kung 10Km yun (10Km daw eh) at diyes ang takbo nila (kasi baka mahirap daan) isang oras ang byahe. dalawa balikan. kalahating oras pa. wala pa. may tumambay na nakipagkwentuhan dun sa nagpakain samin. galing daw sila dun kagabi. puro puti daw suot nila. pagdating daw sa bundok, puro putiK na. nabahura (nabalaho / na-stuck) daw kasi sila sa putik. tinginan na lang kami ni sir Chris.
ako: pero kagabi yun. mainit naman kanina. baka natuyo na yung putik.
alas tres. negatib.
ako: eto na ang umpisa ng totoong paghihintay.
sir Chris: hindi naman natin alam kung san natin pupuntahan.
ako: pag mga 5:30 na sir, magtanong-tanong na tayo pano pumunta dun. baka kung ano na nangyari.
lampas na sa alotted time. aabutan na kami ng dilim. mga 3:15. natawagan si Cris.
ako: balita? san na kayo?
Cris: pababa na.
ako: bumababa na o pababa pa lang?
Cris: nakababa na.
ako: malayo pa ba?
Cris: malapit na.
ako: matagal pa ba?
Cris: toot toot toot
sir Chris: san na daw?
ako: malapit na daw eh.
tahimik.
ako: baka malapit na sa unang pahingahan.
sir Chris: bihis na tayo para sibat agad pagdating nila.
ako: tara.
3:30. wala pa ah.kwento ulit. tawa ulit. 3:45. wala pa rin. gagabihin na kami. alas-kwatro. ayan na. tatlong oras! sabi ni sir Norman, mahirap daw daan. tsaka 15Km pala. sya nagtawid ng dalawang motor sa ilog kasi chicks daw ang itinawid ni Cris. tsaka di pa gamay ni Cris yung motor, semplang dalawang beses. wala namang tama. umaalog na gulong ni sir Norman. parehas. nag-adjust pa kasi bumaba daw menor. ako magdadala, baka mamatayan ako sa daan, diko alam gagawin. ligpit gamit. sabi ko sana hindi magamit ang mga kapote namin. bihis sila. sibat na. dadaan pa sa batangas city para kunin yung deed of sale ng motor. dumaan pa kami sa auto shop, binilhan ng side mirror yung XR. pa-gas. byahe. lakas ng motor ni sir Norman. kamot hanggang kwarta. zigzag. paakyat. overshoot ako isang beses, buti malayo pa yung jeep na kasalubong. ok lang. diretso. birit. ayos. masaya na lahat. naghahabol lang sa oras. SM batangas. tinatawagan yung kukunan ng deed of sale. di matawagan.
Cris: dito lang kasi malapit nakatira yun, kaso diko alam address.
sir Norman: wala ka bang ibang number?
Cris: wala eh.
ako: ano ba, patay o wala signal?
sir Norman: unreachable eh.
walang signal.
ako: alam ba na may usapan kayo ngayon?
Cris; oo, tinawagan ko kahapon.
sir Chris: tinawagan mo ba kanina?
Cris: tinext ko kanina.
sir Chris: nagreply ba?
Cris: hinde.
gusto ko sanang sabihin: DISGRASYA!
Cris: mahirap isapalaran to sir, baka macheck-point tayo, wala akong papeles. kayo na lang lumuwas. iwan ko na lang to sa tyahin ko.
no other choice. gumagabi na. kahit wala sa kondisyon dalawang motor at tatlong tao. pagod at may tama kami ni sir Chris. si sir Norman namundok pa. pero wala na. balik sa option 1.hinatid namin si Cris sa kantuhan papunta sa tyahin nya. review kami ng mapa, hindi namin kabisado kasi ibang ruta na dadaanan namin. hindi na kami dadaan dun sa bundok ng kalbaryo. KAHIT KAILAN. sa tanauan na kami aakyat ng tagaytay. alam ko ang daan mula sa crossing-lipa-malvar-tanauan kaya walang problema, kasi alam din naman nila. hehe. yung paakyat ng tagaytay galing tanauan ang hindi sigurado si sir Chris. sige! banat! takbo kami. iwan si Cris. si sir Norman na ang pinaangkas ko kay sir Chris. di pa kami nakakalayo, umulan. malakas. when it rains, it pours nga eh. pero ito, literal. hinto kami sa ilalim ng puno ng mangga. madilim na. mabilisang nagkapote. gusto ko pa sanang magbihis ng short at racing tsinelas na may tatak na SO CLEAN, SO GOOD sa strap na bigay ni Van Helsing (hindi tunay na pangalan) pero hindi na nangyari. nagmamadali. at delikado rin ang racing tsinelas. suklot lang ang kapote ko. walang pantalon. takbo! basa ang tuhod pababa, tumutulo ang sirang chuck taylor. wala akong makita sa visor. binuksan ko. tinatamaan din ng ulan salamin ko. wala ding makita. binusinahan ko sila. tumabi ako para magtanggal ng salamin. itinabi ko. maputik. may umaagos na tubig. lintek malalim pala! shoot ako sa butas. muntik pako sumemplang, buti na lang magaan motor ni sir Norman. sibat ulit. hindi pala nila ako napansin tumabi. wala na sila. buti hinintay ako sa kantuhan. malabo pa rin tingin ko. nauulanan mata ko. bahala na. diko kita kalye. asa na lang sa tail light ni sir Chris. di na ko nangahas umovertake sakanila. wala sa kondisyon motor at driver. isa pa, wala akong makita sa side mirror. hindi ako bibili ng ganun sir Norman! nakaraos naman. maiksi lang yung tinakbo namin na may ulan. pagpasok namin sa lipa, para kaming mga tanga. nakakapote walang ulan. mabagal takbo namin. mabagal si sir Chris. bumubuntot lang ako. umuovertake ako pag alanganin, pero pinauuna ko ulit sila. kwarenta lang. maswerte na sa 30seconds sa singkwenta. wala naman ulan. pero naintindihan ko si sir Chris. pagod. may tama. masakit katawan. pare-parehas lang kami, malala lang sya ng konti kasi nabawasan yung motor function ng tuhod nya. pero yung sakin, lumalala na rin yung sakit. tsaka sa trauma ng tumbong ko sa pag-angkas ko kay sir Chris, kahit malapad upuan ng motor ni sir Norman, masakit na rin. malvar. tanauan. kumaliwa na kami dun sa may star tollway. andun yung service road paakyat ng tagaytay. madilim. makitid ang daan. kumbaga, hindi pwedeng magsalubong ang dalawang medyo mabilis na kotse. alanganin. palusong. konting zigzag. iba na pakiramdam ko.nagmamalfuncton na utak ko. sa pagod din siguro at sakit ng katawan. at tumbong. may nakikita na akong wala naman talaga. sabi ko sa sarili ko, focus muna. pag paakyat na, makikipagpalit na ko kay sir Norman. baka kung ano pa mangyari sakin. sori na lang sa tumbong ko. crossroad. pakaliwa. pakanan. hinto kami. walang signage. pinarada ko. may naaninag akong tao. hinintay kong lumapit. nagtanong si sir Norman.
sir Norman: sir, paakyat kami ng tagaytay, may daanan ba dito?
manong: nako! dun sa kabila!
putangina! patong patong na kamalasan. mali liko namin, so babalik kami sa highway.
sir Norman: ano pato, ok ka lang dyan?
ako: palit tayo sir. di na ko makafocus.
sir Norman: napapapikit ka na ba?
ako: hindi, may mga kakaiba na akong nakikita.
sir Norman: ay, pucha.
angkas ulit ako kay sir Chris. baka ako sumakay, nag 50-50 na ko na magcocommute na ba ko kahit nakakahiya dun sa dalawang iiwan ko sila? o titiisin ko na lang kahit malayo pa?sa totoo lang, pabigat na ko dun sa dalawa. hindi naman ako pwedeng umangkas kay sir Norman. sumasayaw na dalawang gulong nya. di na kaya bigat. sige bahala na. sakay ako. paglapat pa lang ng pwetan ko, tangena. hindi na kaya. tiis muna. pabalik pa lang sa highway. habang tumatakbo, isip ako ng isip kung ano gagawin ko. kahit anong pwesto ko, masakit na. tsaka masakit din sa likod kasi hindi totally upright upo ko. naisip ko, malayo pa to. halos nagdedeliryo na ko. naalala ko yung pakiramdam nung tinatatuan ako sa ribcage. sa tagal kong tinitiis yung sakit, kung anu-ano na pumapasok sa isip ko. kung anu-ano na nakikita ko. baka makadamay pako. paglabas namin ng highway:
ako: sir, itabi mo nga saglit
sir Chris: pwede bang dun na sa sea oil?
ako: ay, magpapakarga ka ba?
sir Chris: oo
ako: sige
pagdating sa sea oil:
ako: sir, magcocommute nako. nahihirapan lang tayo pareho.
sir Chris: huh?sama-sama na tayo.
ako: dagdag bigat pako sa motor mo sir eh. tsaka diko na rin kaya. gusto ko na mahiga. ano sir Norman? malayo pa tayo.
sir Chris: eh san ka sasakay?
ako: dito lang, may dumadaan na dito.
sir Chris: o sige.
ako: mag-calamba na lang kayo, delikado sa tagaytay, malabo ilaw mo.
sir Chris: malayo pa iikutan sa calamba eh. tsaka nagtanong ako sa gasoline boy, malapit na daw yung pa-tagaytay.
ako: sige. kunin ko lang gamit ko.
paalis na sila.
sir Chris: ano, text-text na lang tayo?
sir Norman: ingat ka sir ha.
ako: kayo ingat din. next time, dun tayo sa pantay na kalye.
sir Chris: oo.
ako: tsaka next time, kung gasgas at sakit lang ng katawan habol natin, magsuntukan na lang tayo sa opis. madali pa umuwi.
sir Chris: oo, tama ka.
umalis na sila. gutom na ko. yosi. lakad konti. di na rin maikilo ng maayos and tuhod. yun, fried chicken! kakauhaw. yun, 7-11! ayos.
bus. lrt-beundia. kasi kukunin ko pa yung motor ko sa opis. tsaka andun susi ko sa bahay. bayad ako. kain. sa dagat, napagusapan namin yun sineng narnia. sabi ko, wala akong kahilig hilig sa mga ganong sine. may mga witch. ang sine sa bus. hansel and gretel: the WITCH hunters. taena, hanggang sa bus, malas.
sa dinami-dami ng kamalasang nangyari sakin / samin ngayong araw, isa na lang kulang. maholdap ako. di na ko magtataka kung naholdap yung bus. baka di pa nya tapos sabihin yung spiel nila na "HOLDAP ITO!", baka iabot ko na lahat ng gamit ko at sabihing "sayo na to lahat tangina mo ka!!!" naghubad ako ng sapatos, kasi basa pati medyas ko. nagpalit ako ng tsinelas. natapos ang sine. nagpatugtog ang kundoktor. GIYOMI. nag lakas. hindi na siguro naadjust yung volume nung sine pa, nagsalang na ng audio disc.
pagod ako. di na ko nagreklamo. sunod na kanta GENTLEMAN. tangena. nakita ko sa display yung playlist. jonas brothers. lil wayne. pink. ONE DIRECTION. taena, kakapsok pa lang namin ng SLEX. siguradong bago ako bumaba, madadaanan yung mga track na yun. tumayo ako. nagising yung katabi ko. lumapit ako sa kundoktor.
ako: brad, pakihinaan naman, maraming nagpapahinga. salamat.
naisip ko, ayoko na magdrive ngayong gabi. baka madamay pa si vroom vroom ko sa malas na araw na to. diretso na ko bahay. dapat pala cubao na bus na nasakyan ko. buendia na. para. maraming bumaba. lingon daw sa kanan sabi ng kundoktor. sa kaliwa ako pumunta patawid.
signage: BAWAL TUMAWID. MAY NAMATAY NA DITO.
ako: tangina mo. (pabulong)
mag nakataling electrical wire pangharang, lumakdang ako. nakatingin sakin yung traffic officer.
ako: sige subukan mong hulihin ako, at baka mauna pako sayo sa presinto magpakulong ng kusa (pabulong)
di na rin siguro ako mabibigla kung nasagasaan man ako sa buendia. motor. jeep. trak. mabagsakan ng eroplano. meteor. kung may susundo lang sakin, papasundo na ko. wag lang si Sir Chris. haha. Sir Chris, no offense, i have nothing against you or your driving skills. walang problema sakin sumemplang tayo, normal sa motor yan, dalawa lang gulong eh. pero hindi na ulit ako aangkas sa motor mo mapasino man ang nagmamaneho. lalo kung papuntang Lobo. haha
sumakay akong jeep byaheng guadalupe. nagbayad ako bente. sukli syete. trese pamasahe. 13. siguro yung yung malas. pero hindi naman siguro, kasi huli na nagyari eh. anyway, naghihintay pa rin ako ng manghoholdap. wala. ok na rin. may sumakay sa ayala. chicks. katabi ng kaharap ko. mala-kris bernal. mas maganda pa nga, kasi hindi naman maganda si kris bernal. kaso ang dumi ng paa. ayoko sa maduming paa. di mo pa inaamoy, mabaho na. so malas pa rin. napapatingin sakin mga kasakay ko. muka siguro akong tanga. may dala akong helmet tsaka plastic bag. siguro dahil bawal ang plastic. o siguro dahil sa tagyawat ko sa ilong na mauuna nang pumutok sa taal volcano. o siguro dahil muka akong ginulpi. o siguro dahil sa SO CLEAN SO GOOD na tsinelas ko na ninakaw ni Van Helsing (hindi tunay na pangalan) sa sogo. libre ba yun?hindi ba pagamit lang yun? anyway, guadalupe. diretso ako sa mercury. bibiling gamot at gasa.
ako: isang betadine maliit lang.
sales lady: pangsugat sir?
gusto ko sanang sabihin: oo, hindi yung pampuki. muka ba kong nagfefeminine wash? (pero naiintindihan ko sya, ginagawa nya lang trabaho nya)
ako: oo. tsaka isang gasa, maliit lang din, yung rolyo. tsaka isang paper tape.
naglalakad pauwi. iika-ika.
bugaw sa LIONS777: dito ka na sir, show na. show na.
gusto ko sanang sabihin: masakit tuhod ko, hindi ako makakaibabaw. masakit tumbong ko hindi ako makakailalim. (pero naiintindihan ko sya, ginagawa nya lang trabaho nya)
ako: tangina ka (pabulong)
katok sa gate.
katok sa kwarto.
nagbukas.
(bleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep)
20130720