Thursday, 24 November 2016

bawat umaga

isang balikwas ang gumising sa ating nakaraan
panaginip na gumigilid sa lutang na isipan
pintig ay bumibilis na halos walang patlang
ngunit di na kasing tamis gaya ng nagdaan

isang tambak na litrato na ang binasura
tatlong sakong ala-ala saan na nga ba napunta?
kahon-kahong pag-ibig na isinantabi muna
balde-baldeng luha lumulunod sa mga mata

sa pagtayo nagpapanting aking mga taynga
alulong ng iyong tinig, takdang di nag-iisa
sa pagkibo ramdam ang yapak ng 'yong paa
guni-guni'y nagmumungkahing ika'y naririto pa

sa kabila ng suhestiyon ng gising na kamalayan
sa silid na nagkukulong ng lihim mong hakbang
nakagapos, nakapiit, di makayang alpasan
pighating tinitimpi, sunong ng katotohanan

20160822-bawat umaga

===============================

http://freedomofcontent.org/?p=187