nobyembre a-otso. (2013)
umaga.
6:05am
kasarapan ng tulog nang tumunog ang alarm.
snooze? dismiss?
snooze.
tulog ulit.
masarap managinip. eto ang eksena ayon sa aking pagkaka-alala.
naghihintay ako ng bus pauwi sa tayabas. sumakay.
sa eksena, naging jeep ang bus. punong puno. parang eksena sa india.
maya-maya. may katabi ako sa jeep. pauwi din daw ng tayabas. sabay na daw kami kasi sa dakilang sulok din sya bababa.
si pujam na kapitbahay ko.
nag-uusap kami na di kami magbabayad at ihahagis na lang namin ang mga gamit namin sa ilog alitao. sabay talon.
magandang ideya.
maya-maya sa byahe. ang umaandar na jeep. nawala na. naka-motor na ako.
kasama ko si ace na aking ka-trabaho. pumasok sa bahagi ng utak ko na tinatawag na cerebral cortex (kung tama nga, yung may logic at reasoning) kung bakit kasama ko si ace pauwi ng tayabas. eh hindi naman sya taga-doon.
pero hinayaan lang ng nalalabing bahagi ng utak ko.
sige lang daw. panaginip lang naman.
huminto kami sa isang bayan. dina nabanggit kung saan.
may pinuntahan kaming bahay.
may hinahanap syang kotse. dadalhin daw nya sa tayabas at iiwan dun ang motor nya.
sinamahan ko sya.
"hanapin mo yung revo!" ika-niya.
nakita ko ang revo. pula. may taklob.
sinilip ko.
walang susi.
hinahanap nya ang susi.
kelangan daw nya tumawag.
pumasok kami sa isang bahay. naghahanap ng telepono.
wala daw silang telepono kasi daw laging walang dial-tone.
nagmistula kaming empleyado ng PLDT sa pagto-troubleshoot.
"hanapin mo yung TTC.", ika ni ace.
hinanap ko. pero nakita nya na pala.
may nilagay syang device. sinuksok sa tila termination block.
wala talagang dial-tone.
biglang andun na si b2 (brian robertson, jr.) na tumulong sa pagto-troubleshoot.
umilaw na. may dial-tone na daw. at bigla na silang naglaho. nabago na eksena.
ako ay nasa isang sala. maraming ibang tao. mga kamag-anak ko daw.
pero andun si ei (jover), na aking kaibigan. may kasama syang kaibigan. na may kasamang anak na bata. babae. may tunnel. kagaya nun kay ei.
natuwa si ei sa ginawa ng kaibigan nya sa anak nito. pinalagyan ng tunnel sa tenga. kahit bago pa lang natututong maglakad.
kinarga ko ang bata. cute sya. biglang may nagsigawan sa baba.
sumilip kami sa bintana. may nasagasaan. mag-ina. nakahandusay ang mga biktima. bumaba kami.
hit and run. tumakas ang taxi na naka-sagasa. nakita ko sa may banda pa roon, isinakay ang taxi sa loob ng mitsubishi L300 para itago.
NAGKASYA! sinilip ko. nasa ilalim pa ng upuan. silisilip ko ang plaka pero hindi ko makita.
may mga iba pang nangyari, pero tumunog na ang pangalawang alarm ko.
6:35am
snooze? dismiss?
dismiss.
bumangon na ako. nag-init ng tubig. nagyosi.
nakita ko pa si ace sa labas galing sa tindahan.
"may bagyo.", ika nya.
"oonga eh.", sagot ko naman.
kumulo na ang tubig.
nagtimpla ako ng enervon hp na kakabili ko lang kagabi.
pinalamig ko muna.
pumasok na ako sa banyo. tumae. naligo.
pagkatapos. hinawakan ko ang mug. medyo malamig na. hinigop ko ang tinimpla. matamis. dinagdagan ko ng tubig.
ayos na.
nagbukas ako ng itlog at nilagay sa cup ng pinaglagyan ng macaroni salad sa kfc.
nilagok ang itlog. sabay inom ng enervon hp.
yosi ulit habang inuubos ang pampainit sa umaga.
ayos na. nagtootbras. nagpantalon. nagsapatos. nag-tshirt.
nasa laundry nga pala ang jacket kong philippine airlines na bigay ng dati kong landlady.
kumuha ako ng bagong jacket sa cabinet. ang nasa ibabaw ay ang gray ng element na na-ukay ko sa baguio na suot ko nun sumemplang kami sa lobo, batangas nila sir chris, sir norman, at cris.
kinuha ko ang paborito kong jacket. ang checkered na gray na na-ukay ko sa sta. mesa.
nilabas ko si rocket. kinuha ang bag. naghelmet. nilock ang pinto at umalis na.
sa c5 flyover. as usual. traffic. nakapila ang motor sa gilid. karaniwan akong sa gitna dumadaan para mas konti ang motor. ingat lang sa pag-iwas sa mga side mirror ng kotse at SUV.
pero ngayong umaga, sa gilid ako dumaan. kasi sikip sa gitna kasi may mga sasakyan na hindi nagbibigay ng espasyo sa motor.
ewan ko kung madadamot sila sa kalsada o tanga lang talaga sila na hindi nag-iisip.
sa gilid. paakyat. hindi naman mabilis ang takbo. may itim na suv sa bandang unahan. maluwag ang gilid. inarangkada ko pa ng konti para maka-overtake.
ang itim na SUV. biglang pumitik sa kanan. sumara ang dadaanan ko. napagilid ako ng husto sa bahaging hindi aspaltado.
na-mreno ako. pumalo ang likuran. nawala ang balanse. sinubukan kong ibawi pero hayan lang ang SUV at tatama ako. namreno na ako ng todo. sumayaw si rocket.
natumba ako pakaliwa. tumama ang helmet sa passenger door ng SUV. nakasakay pa rin ako kahit perahas na kaming nakakalat sa kalye ni rocket.
tumayo ako. umiingay ang makita. pinatay ko. at itinayo. bumubusina na ang mga sasakyan sa likod. bumaba ang driver ng SUV. matanda. sinilip kung may tama ang sasakyan nya. medyo may edad. hindi na ako nakipagtalo ng kumabig sya kaya ako nag-alanganin.
kung tutuusing, wala naman syang ginawang mali. at ako, sa point of view ng mga nagmomotor, wala din naman siguro. madulas lang ang kalye dahil sa bagyong dimo maintindihan kung tutuloy ba o hindi.
sabi ko, "may tama po ba?"
hindi sya nagsasalita. kasi wala din naman syang nakita. madumi ang kotse nya. pero sinilip ko, wala din naman akong nakita. helmet at balikat ko ang tumama sa sasakyan nya.
"pasensya na sir, dumulas ako eh.", ika ko.
umalis na sya.
sumakay na ulit ako kay rocket. binuhay ko. nabuhay naman. natanggal lang yung lock ng side mirror kaya paikot ikot.
hinintuan ako ng isang nagmomotor.
buti na lang hindi sya nagtanong nag pasala-sala.
buti na lang hindi sya nagtanong ng "okay ka lang?"
buti na lang ang tanong nya ay yung tama.
buti na lang ang tanong nya ay "ano brad, kaya?"
napangiti ako.
"kaya.", sabi ko.
inakay ko ng bahagya at pinaandar. umandar naman.
ayos na. nakaramdam na ulit ako ng hangin.
pero ang hangin ay pumapasok sa binti ko.
leche.
butas ang pantalon ko.
ESPRIT pa naman na bigay ni trigger.
laki ng butas.
eto na.
nararamdaman ko na ang naramdaman ko sa lobo.
mainit ang tuhod ko. sigurado, may tama to.
at least parehas na. kanan sa lobo, kaliwa naman ngayon.
lintek.
habang nasa byahe. nag-iisip pa rin ako.
may ginawa ba akong mali.
hindi mabilis ang pangyayari. kita ko frame by frame. pero bakit sumemplang pa rin ako?
anu ba ang dapat ko pang nagawa para maiwasan.
wala pa akong maisip.
nirereplay ko pa.
buti na lang nung napasandal ako sa SUV, hindi ako nadala at umikot-ikot.
buti na lang dumulas pakanan si rocket at hindi pakaliwa.
kung ganun ang nangyari, pasok ang hulihang gulong ko sa ilalim ng SUV at sa gutter at papalo.
buti na lang walang tama ang SUV (o hindi nakita) kasi magbabayad pa ako nun.
buti na lang wala akong kasunod na motor na mabilis.
pero naisip ko. ganun talaga ang aksidente.
marami kang maiisip na "buti na lang" at "dapat pala".
pero naisip ko din, pano kung hindi yun nangyari.
ang maiisip ko, "BUTI NA LANG HINDI PUMALO YUNG LIKURAN PAGPRENO KO."
pero hindi yun ang nangyari.
eto ang nangyari.