paalam sa sistema
na nakaugalian
sa bagong lamesa
at sa lumang upuan
sa pagkaing mura
sa pagkaing walang lasa
sa pagkaing marumi
at sa nilunod sa mantika
paalam sa plastik na kutsara
at sa papel na plato
paalam sa plastik na tinidor
at sa plastik na tao
sa magnanakaw ng usb
sa nangunguha ng tissue
sa ipis sa banyo
at sa ipis sa baso
sa unipormeng masikip
sa resibong paghihirapan
paalam sa payslip
na bahagya ng masilayan
paalam sa manhid
sa walang pakiramdam
paalam sa mapuna
pero hanggang puna lang
paalam sa mga bulag
at sa nagbubulag-bulagan
sa lahat ng mga bingi
at nagbibingi-bingihan
paalam sa mga pipi
na maraming sinasabi
paalam sa mga hinaing
na nakatumpok sa isang tabi
paalam sa mabilis
paalam sa mabagal
sa RUSH, sa ASAP
at sa pansamantagal
sa bakit ganito
sa dapat ganyan
sa dapat ganito
sa bakit ganyan
paalam sa walang alam
sa "hindi ko alam yan"
sa tanong ng tanong
pero walang naiintindihan
sa papel na nawawala
sa papel na nilukot
sa kaalamang nawawala
at sa kaalamang ipinagdamot
paalam sa nanlamang
at sa nalamangan
paalam sa sumagasa
at sa nasagasaan
paalam sa kalaban
na yun pala ay kakampi
paalam sa kakampi
na yun pala ay kalaban
paalam sa mapagpanggap
at sa mapagmataas din
paalam sa tarantado
na mas tarantado pa sa akin
paalam ate at kuya
paalam sa laging PINAKA
paalam sa ayaw umangat
sa upuang buhat-buhat
sa sumbong ng mareklamo
sa reklamo ng sumbungero
sa mga tunay na lumalaban
at sa mga napasubo lamang
paalam sa pasahan
sa prosesong mala-gobyerno
sa kapirasong kapangyarihan
na pilit inaabuso
paalam sa tawanan
nadamay na namaalam
paalam sa mga tunay na kaibigan
at sa kaibigan lang pag harapan
===============================
September 5, 2015 at 2:55am
na nakaugalian
sa bagong lamesa
at sa lumang upuan
sa pagkaing mura
sa pagkaing walang lasa
sa pagkaing marumi
at sa nilunod sa mantika
paalam sa plastik na kutsara
at sa papel na plato
paalam sa plastik na tinidor
at sa plastik na tao
sa magnanakaw ng usb
sa nangunguha ng tissue
sa ipis sa banyo
at sa ipis sa baso
sa unipormeng masikip
sa resibong paghihirapan
paalam sa payslip
na bahagya ng masilayan
paalam sa manhid
sa walang pakiramdam
paalam sa mapuna
pero hanggang puna lang
paalam sa mga bulag
at sa nagbubulag-bulagan
sa lahat ng mga bingi
at nagbibingi-bingihan
paalam sa mga pipi
na maraming sinasabi
paalam sa mga hinaing
na nakatumpok sa isang tabi
paalam sa mabilis
paalam sa mabagal
sa RUSH, sa ASAP
at sa pansamantagal
sa bakit ganito
sa dapat ganyan
sa dapat ganito
sa bakit ganyan
paalam sa walang alam
sa "hindi ko alam yan"
sa tanong ng tanong
pero walang naiintindihan
sa papel na nawawala
sa papel na nilukot
sa kaalamang nawawala
at sa kaalamang ipinagdamot
paalam sa nanlamang
at sa nalamangan
paalam sa sumagasa
at sa nasagasaan
paalam sa kalaban
na yun pala ay kakampi
paalam sa kakampi
na yun pala ay kalaban
paalam sa mapagpanggap
at sa mapagmataas din
paalam sa tarantado
na mas tarantado pa sa akin
paalam ate at kuya
paalam sa laging PINAKA
paalam sa ayaw umangat
sa upuang buhat-buhat
sa sumbong ng mareklamo
sa reklamo ng sumbungero
sa mga tunay na lumalaban
at sa mga napasubo lamang
paalam sa pasahan
sa prosesong mala-gobyerno
sa kapirasong kapangyarihan
na pilit inaabuso
paalam sa tawanan
nadamay na namaalam
paalam sa mga tunay na kaibigan
at sa kaibigan lang pag harapan
===============================
September 5, 2015 at 2:55am